SMART Rewards (How to Redeem a P50.00 Bill Rebate from SMART Bro)


Hindi lang Free Load ang ipinamimigay ng SMART ngayon galing sa mga Reward Points na ating natatanggap kapag tayo ay nagpapa-load (see this link). Ngayon, ang ating mga SMART Bro Postpaid users ay pwedi ng magkakuha ng P50.00 Bill Rebate o bawas na P50.00 sa buwanang internet bill gamit ang SMART Bro Points na nalikom mo.


Para malaman kung paano, i-click ang http://smart.com.ph/connect para makapag-Log in sa Web Connect gamit ang inyong Service Reference Number na makikita sa billing statement ninyo at ang iyong password kung kayo ay nakapag-register na at kung hindi naman ay i-click lamang ang Register na makikita sa taas ng Log in box.

Pagkapasok sa Web Connect, i-click ang "Browse Web Connect Services", hanapin at i-click ang SMART REWARDS na makikita sa kaliwang bahagi, pagkatapos, i-click naman ang "Smart Rewards Points" para malaman kung ilang Points na ang iyong nalikom.


Kung umabot ng 12,000 pataas ang iyong Points, i-click ang "Redeem Free Items" na makikita sa kaliwang bahagi. Pagkatapos, i-click naman ang "Redeem" na button para makuha na ang P50.00 rebate na mababawas sa susunod na bill. 12,000 Points ang ibabawas mula sa nalikom mong Reward Points. Gawin ang parehong paraan pagkatapos  na makuha mo ang iyong SMART Bro Bill kada buwan.

Maaari ding madagdagan ng 500 Reward Points sa natirang points na iyong nalikom buwan-buwan kung mag-eenroll kayo sa e.Statement Service o Electronic Billing ng SMART Bro. I-click ang e.Statement para malaman ang mga paraan kung paano.

Para malaman din ang iba pang SMART Rewards na pwedi mong ma-avail sa SMART Bro, mag-click lamang dito.




No comments:

Post a Comment